Sunday, May 13, 2018

Mayo Katorse: Ang Boto Ko

Bukas Mayo katorse pipili na naman tayo ng mga mamumuno at kakatawan para sa atin. 

Kung ako buboto simple lang......tatanungin ko lang ang sarili ko kung may kapasidad bang magsilbi sa kumunidad ang kandidato? 

Ano ba sya noong mga nakaraang linggo?  
Eh noong mga nakalipas na buwan kaya? 
At noong nag daang mga taon? 

Nakikita mo ba sya sa inyong baranggay?
Tumutulong ba sya sa mga programang pangbaranggay? 

Mapagmalasakit ba sya sa kanyang kapwa?
Dumadalaw man lang ba sya sa baranggay at nangangamusta tungkol sa iba’t ibang programa nito?

Kamusta sya bilang kapit bahay? Bilang miyembro ng komunidad?
Nakikita mo ba sya na kayang magsimula ng mga proyekto at programang magtataguyod sa ating komunidad?

Nakakatuwa at napakaraming gustong magsilbi sa ating Inang Bayan pero HINDI INSTANT ang paglilingkod. 


Piliing mabuti kung sino ang karapat dapat. Naniniwala akong matalino ka kaibigan huwag mong ipag-sawalang bahala ang ating kapakanan.

No comments: